Wednesday, December 12, 2007

How much of the Philippines have you visited?

 


My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Wednesday, December 5, 2007

Panahon mo ba to? =D

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista,hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero 'di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pa'no mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us.

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (Isang kendi na lasang champoy!).

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pa'no sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga-Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106", hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng "Shake-Shake Shampoo", "Monkey-Monkey-Annabelle", "prikidam 123", "Langit-Lupa-Impyerno", "Datchbol" (Dodgeball), "Syato", "Luksong-Tinik", "Luksong-Baka", "10-20" at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga-MILO sa school niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (At nagtaka
ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (Mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (Mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang pwet.). Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng Brick Game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si "Hulk Hogan" at si "Ultimate Warrior". Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si "Andre d' Giant" dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang "Ice Ice Baby", "Wiggle It", "Pray" at "Can't Touch This."

14. Hindi ka gaanong mahilig sa "That's Entertainment" at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (At badtrip ka sa Wednesday group dahil pinaka-baduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na, Eraserheads. (At aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain. (1st and 2nd generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si "G.I. JOE" with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walo ang tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng "Cedie", "Sarah, ang munting prinsesa", at "Dog of Flanders" a.k.a. "Nelo". (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang 'di yumaman at namatay pa ng maaga?)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

23. Alam mo din ang ibig sabihin ng "PERIOD NO ERASE!"

24. For girls: Malamang nag-away na kayo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at G-Mik! (Jologs na kung jologs, pero totoo!)

25. Madalas kang bumili ng "Wonder Boy" sa iyong suking tindahan.

26. Nilalagyan mo ng Pritos ring ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.

27. Binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kotseng kuba tapos magtataas ka ng peace sign.

28. At minsan, yung linyang "PERIOD NO ERASE" ay may dagdag pang "AKIN PADLOCK, AKIN SUSI" (Eh 'di sayo!)

29. Noon: For little girls, hindi ka "in" pag wla kang pencil case na maraming pindutan at maraming lalagyan ng lapis at kung ano ano pa...

30. Noon: For boys and girls, specially sa barkada, "Hook na hook" kayo sa "X-Men" at nagrorole play kayo at claiming na kayo si "Storm", o kaya si "Cyclops", etc.

31. Noon: Wala ka sa "Fashion" pag wala kang "Pop Swatch" (Your own personal wall clock at your wrist)

32. Kabisado mo ang 3:00 prayer dahil napapanood mo ito tuwing hapon, at kabisado mo din pati ung "We have just as one nation started the beautiful 3:00 habit...we hope that this becomes a daily habit with you..."

Bakit kaya ganon? Kahit saan lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga binanggit dito. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpi-piliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada  o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito.

...Masarap alalahanin at balik-balikan. 'Di ba?